Wednesday, August 29, 2007
patawad sa kadramahan
hindi ko alam kung bakit ganito ngayon ang nararamdaman ko. Ngayon masaya tapos maya-maya, bigla na lang malulungkot, maaasar, maiinis. Bakit kaya? Argh! Hindi ko na nga alam kung anong dapat gawin, ni hindi ko na nga alam kung paano balansehin ang aking buhay kaya tuloy pati damdamin ko ay nagkakagulo na rin. Kaya nga nagkakandaleche-leche na ang buhay ko ngayon eh. Hindi ko na alam kung paano pa ito aayusin. Sana umulit na lang ang lahat sa umpisa,,,pero paano kung ang mga bagay na gusto kong panatilihin sa kanyang ayos ay ang siya pang magbabago? Hay...:((
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment