Wednesday, October 17, 2007

hello felisha...

hi, mustah naman? Ano na nangyayari sa iyo ngayon? Balita ko eh nagbago ka na.. hindi na ikaw ung dati kong kaibigan... ung nakasama ko sa 16 na taon ng buhay ko. Bakit? Anong problema? Nagsasawa ka na bang kasama ako? Sabihin mo lang ang problema mo, magkasama tayong lulutas niyan. Alalahanin mo na hindi ka nag-iisa...may mga kaibigan ka. Huwag mo silang kalimutan. Alalahanin mo rin na huwag na huwag kang paaapi sa mga taong nang-aapi sa iyo. Lumaban ka. May sarili kang karapatan. Huwag mong hayaan na ang mga salita nila ay sumira sa iyong konsentrasyon at pagkatao.

Ahh...problema? Bakit? Ano bang nangyari? Sinabi ko na sa iyo na huwag kang paapekto sa mga sabi-sabi. Ipinasok mo ang ganyang kalagayan. Di ba pinag-isipan mo na yan ng mabuti? Edi dapat handa ka sa lahat ng pwedeng mangyari. Huwag kang susuko. Kaya mo yan.

Sana sa susunod na mag-usap tayo ng ganito ay nasa maayos na kalagayan ka na. Sana ibalik mo ang dating Felisha na nakilala ko at lumaking kasama...orayt?

Miss na miss na kita...

nagmamahal,

ang iyong sarili

No comments: